Bakit nga ba natin to ginagawa? Sadyang tanga lang ba tayo?
Tao tayong lahat. Hindi natin makokontrol kung anong mararamdaman natin sa ibang tao lalo na kapag nagbibigay tayo ng matinding pagmamahal. Kasalanan bang mahulog sa isang tao ng hindi sinasadya? Nasaktan ka dati, ayan ka nanaman. Magsisimula ng bagong relasyon na sa tingin mo nama’y hindi magtatagal. Matutuldukan agad. Masakit diba? Para sayo at para sakanya. Minsan masasabi mo nalang na ang ‘ang tanga ko naman, ako na tong nasasaktan kapag nagmahal, pero ako rin tong nagmamahal ulit.’ We all love what we know we can’t *permanently* have. That’s the way love goes! No pain, no gain. Isa pa, kapag nagmamahal tayo, lahat tayo ay wala sa tamang pagiisip. Kumbaga, sira ulo atyong lahat. Ang mali nga, kayang itama ng pagmamahal e. If it doesn’t hurt, It isn’t love. Pero worth it ba lahat ng yun?
Pero, ano sa tingin natin yung sagot kung bakit paulit-ulit tayong nagmamahal? If I were to answer this question, ang isasagot ko ay..
Bawat tao sa mundo, gusto ng satisfaction. San ba natin makukuha ang satisfaction natin? Diba kapag nagmahal tayo, at NARAMDAMAN NATIN at ALAM NATIN NA MAHAL RIN TAYO NUNG TAONG MAHAL NATIN. Ayos na yun. Kahit alam mong sa dulo ng ride na ito ay masasaktan din tayo.
Yun ang para sakin, e sainyo? Malamang ganun din. Hindi kasi kayang mabuhay ng tao ng walang pagmamahal. Kaya wala tayong pakialam kung sino at kailan tayo magmamahal. Kung ako lang naman, hindi ako maniniwala sa mga taong nagsasabi na hindi na sila magmamahal. Kesyo nakakatrauma. Pero darating yung oras na mauuhaw sila sa pagibig. Parang walang kwenta yun buhay, ganun. Diba nga love involves risks? Yung hindi tayo mahalin pabalik, yung napapagiwanang magisa, at yung risk na masasaktan ka. Basta hindi tayo nasasaktan, daw. Pero tine-take natni yung risks na yun dahil gusto natin yung feelingna nagmamahal at minamahal pabalik. Satisfaction. Bow.